Sunday, 10 November 2024

Hiwaga ng baryo mayoboc

PAGSUSURI SA AKDA-GAWAIN SA PAGGANAP 1


HIWAGA NG BARYO MAYUBOK


 (sa pagsusuri)

ni dashlyn iyiel M. tanguihan


HIWAGA NG BARYO MAYOBOC


1.PAGKILALA SA MGA TAUHAN


  -MAI: siya ang dalagitang may magandang kalooban, masayahin,at malapit ang kanyang loob sa kalikasan 


 -FLORA:siya ang ina ni Mai siya ay isang nimpa o mababang uri ng diwata 


 -HABAGAT:siya ay isang diyos ng hangin na nahulog ang loob o mayroong pagtingin kay Flora 

  -ANIAGO: siya ang ama ni Mai na kinikilala ng mga taga baryo na lider


 -BATHALA: siya ang diyos ng lahat ng diyos at ng mga tao siya rin ang nag bigay parusa kay Mai at hayo 


  -HAYO: siya ay ang diyos na nangangalaga sa ilog at iba lang tubig tab-ang siya rin ay May kakayahang kumausap sa mga nilalang sa ilalim ng tubig


-INDRA:siya ang kapatid ni hayo na mayroong inggit sa sakanya


-YUDA:isang mortal na nag mamahal kay Mai ngunit siya ai naging mata-matahan ng kapatid ni hayo 


2TEMANG PANGKALAHATAN 



Ang pangunahin tema ng kuwento ay ang pag tutul ng diyos sa pag iibigan ng diyos at mortal na tao lamang sapagkat ito ay kasalanan sakanila kapag ikaw ay diyos tapos umibig ka sa isang mortal lamang.



3SIMBILISMO 



ILOG - ito ay sumisimbolo sa emosyon at pag subok ng tao 


BULAKLAK- ito ay sumisimbolo sa kagandahang loob ni Mai at pag-ibig


KALATSUSI- ito ay sumisimbolo sa dalawang mag kaibang mundo 


GANSA-mga nag silbing tanod,ito ay sumisimbolo ng pag sunod sa mga diyos


LUNYAL:ang sandatang ginamit ni yuda,ito ay sumisimbolo sa galit na nararamdaman ni yuda


4KONTEKSTO NG KULTURA




Ang kuwento ay nakaugat sa kulturang Pilipino na mayroong paniniwala sa mga diyos,engkanto,at espiritu at mga alamat. Ang pag iibigan ng mga diyos at mortal ay karaniwan na sa mga mitolohiya at kwentong bayan.


5ESTRAKTURA NG KUWENTO 



SIMULA- ipinakilala si Mai bilang isang batang maganda at masayahin 


SAGLIT NA KASIGLAHAN- ang pag kaibigan Nina Mai at hayo


KASUKDULAN- ang pag tuklas ng diyos ng karagatan at ng bathala sa relasyon Nina Mai at hayo


 KAKALASAN- ang pag makulong ni hayo sa ilog at ang pag sumpa kay Mai na maging bulaklak


WAKAS- kalaunan natanggap din ang kanilang kapalaran ng dalawang tauhan


6PAGHAHAMBING SA IBANG MITOLOHIYA

Ang maiihambing ko dito na mitolohiya ay yung cupid at psyche sapagka't ang daming mga pag subok ngunit nanaig parin sa mga tauhang iyan ang kanilang pag iibigan 


7EPEKTO SA MODERNONG PANAHON 

Ang kuwento ay nag bibigay aral sa mga kabataan at nag papalawak pa ang mga kaisipan ng mga kabataan at nag papakita ng mga nakaraang kwentong bayan at nag bibigay ito ng kaalaman sa mga pangyayari noon.




Hiwaga ng baryo mayoboc

PAGSUSURI SA AKDA-GAWAIN SA PAGGANAP 1 HIWAGA NG BARYO MAYUBOK  (sa pagsusuri) ni dashlyn iyiel M. tanguihan HIWAGA NG BARYO MAYOBOC 1.PAGKI...